Thursday, July 21, 2011

JOKES 3


1st MONTH: He said, "MAMA".

2nd MONTH: He said, "PAPA".

3rd MONTH: He said, "DEDE, YAYA".

4th MONTH: He said, "MAMA, PAPA DEDE YAYA!"
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.

Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.

"Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.

"Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.

Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".

"Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.

Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"
MATRONA: Sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?

BINATA : Kung titignan ka ng naka sideview, 24 ka lang; kung nakatalikod naman 16 lang; kung sa tangkad, 22 ka lang. Bale pagnakaharap ka ang total ay 62, sweetheart.
"Habang pinapanood mong inumin ang kapeng may lason ng asawa mo, hindi ka man lang ba naawa sa kanya kahit isang beses?" tanong ng abogado sa
babaeng nasasakdal.

"Naawa naman po," sagot ng babae.

"At kailan `yon?"

"Nu'ng humingi siya ng isa pang tasa ng kape.
Dalawang mag-barkada nag-uusap:

Mike: Bakit lumaki yung paa ni Amy?

Jun: Sinipa yung punso!

Mike: Eh, bakit lumaki naman yung nguso ni Fe?

Jun: Dinuraan yung punso...O pare saan ka pupunta?

Mike: Iihi sa punso!
MISTER: (SHOUTING!) Honey, mag-empake ka na,
nanalo ako sa lotto.

MISIS: Wow! Anong dadalhin ko?

MISTER: Wala akong pakialam, basta lumayas ka na!
Misis: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.

Mister: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo!
MISTER: Kung hindi sa pera ko hindi ka makakatira sa ganitong kalaking bahay!

MISIS: Hoy, kung di rin dahil sa pera mo wala rin ako rito

GIRL 1 : Halata na tiyan mo, bakit di pa kayo magpakasal ng BF mo?

GIRL 2 : Ayaw ng pamilya niya eh!

GIRL 1 : Sino may ayaw, tatay o nanay niya ?

GIRL 2 : yung misis niya!
Boy Gwapo + Girl Ganda = Nagmamahalan

Boy Gwapo + Girl Panget = Pinikot!

Boy Panget + Girl Ganda = Tinutukan!

Boy Panget + Girl Pangit = Pasensyahan
Dati, dito sa pinas, kung gusto mong mag rebelde, akyat ka sa bundok.

Ngayon, kung gusto mong magrebelde, akyat ka na sa HOTEL!

Di ba sosyal na?
Contemplate - konte ang mga pinggan

Punctuation - pera para maka-enrol

Ice Buko - oks ang buhok ko

Tenacious - sapatos na pang tennis

Calculator - tawagan kita mamaya

Devastation - sakayan ng bus

Protestant - Tindahan ng prutas

Statue - Ikaw ba yan?

Tissue - Ikaw nga!

Predicate - Pakawalan mo ang pusa

Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo

Deduct - Ang pato

Defeat - Ang mga paa

Detail - Ang buntot

Deposit - Gripo

Diploma - taga ayos ng tubo

City - Bago mag-utsu

Cattle - Doon nakatila ang Hali at Leyna

Persuading - Unang Kasal

Depress - Ang nagkasal o kaya'y dyaryo

Defense - bakod sa bahay

It depends - Kainin mo ang bakod

Shampoo - Bago mag-labing-isha (hik!)

Delusion - Maluwang (kung maluwang
ang damit, e delusion!)

Profit - Patunayan mo

Balance Sheet - What comes out after
eating a balanced diet

Backlog - bacon saka egg

Beehive - magpakatino ka

CD-ROM - tingnan mo ang kwarto

Debug - ang ipis

Defrag - ang palaka

Defer - ang balahibo

Deflate - ang plato

Detest - ang eksamin

Devalue - 'yon ang susunod sa letrang V

Devote - ang boto o sasakyang pantubig

Dilemma - brownout o kaya'y hindi anim

Effort - 'dun nagla-land ang efflane

Forums - apat na kwarto

July - nagsinungaling ka ba?

Thesis – sakit
Waitress: How do you want your EGGS done, Sirs?

American: I want my eggs fried.

Japanese: I want it boiled.

Pinoy: Ala eh! Sa kin, hawakan mo na lang, masarap na yaan!

No comments:

Post a Comment