Labis na nabago ng I.T.C. ang ating mga buhay dahil sa mga dulot nito sa atin. Ang mga bagay na aking ilalahad ay ilan sa mga halimbawa ng mga naidudulot sa atin ng ICT.
Ang I.C.T. ay bumabago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pamamagitan ng paghubog sa mga tao na maging mas modernisado. Hinuhubog tayo nito na maging mas sibilisado at maging mas mulat sa mga bagay na nangyayari.Nakatutuwa rin ang I.C.T. dahil tayo ay nalilibang sa paggamit nito. Hindi man natin sabihin ngunit mababakas sa atin na mahalaga na sa atin ang I.C.T. at mahihirapan na tayong mabuhay kung wala ito.
Natutulungan din ako ng ICT sa aking pg-aaral dahil mas napapadali nito ang buhay naming mga estudyante. Napapadali ang paggawa namin ngmga takdang-arlin at nagiging mas aktibo kami sa aming mga klase. Siyempre, hindi rin naman mawawala ang mga laro sa internet na siyang pinaka "libreng oras" at libangan naming mga estudyante.
Nakakatulong din ang ICT sa pagbigay ng mga trabaho sa mga tao sa pamamgitan ng pagtuturo sa mga ito ng mga kaalaman tungkol sa mga trabahong kanilang papasukin.Dahil din sa ICT kay maraming tao ngayon ang maraming trabaho kumpara dati noong hindi pa gaano kaunlad ang ating mga kaalaman tungkol sa teknolohiya. Marami na rin ang nagkatrabaho ng mga bagay na tungkol sa teknolohiya. Nakakatuwa ring isipin na maraming naidulot na kasiyahan at kabutihan ang ICT.
No comments:
Post a Comment